Bayabas


SCIENTIFIC NAMES
Psidium guajava
P. aromaticum
P. cuajavas
P. pyriferum

IBA PANG PANGALAN
Bagabas (Igorot)
Bayabo (Ibanag)
Bayauas (Bicol, Pangasinan)
Biabas (Sulu)
Bayawas (Bikol)
Guayabas, Kalimbahin, Tayabas (Tagalog)
Guava (English)

DISTRIBUSYON
Pangkaraniwan sa Pilipinas; popular dahil sa prutas.

PARTENG GINAGAMIT
Dahon

PAGGAMIT
· Ang prutas ay mayaman sa vitamin C. Ang dahon ay nagtataglay ng kaarian na may kabisaan sa paglilinis ng sugat.

·
Pagtatae: Pakuluan ng 15 minutos ang 4-6 na kutsara na hiniwahiwang dahon sa 2 basong tubig. Salain at palamigin. Inumin ang ika-apat na parte tuwing 3-4 na oras.

· Sakit ng ngipin: Nguyain ang 2-3 murang dahon; ipasak sa butas ng sirang ngipin.

· Namamagang gilagid: Gamitin iyong pinagkuluan ng dahon at mumugin 3 beses maghapon.

· Mga sugat na nangangati at nagbangkukang: Itapal ang dinikdik na dahon sa sugat o gamiting panglinis ng sugat ang pinagkuluang tubig ng dahon ng bayabas.  Popular na ginagamit sa paglalangas ng sugat sa pagtutuli, 2 beses maghapon.

· Balinguynguy: Pirutin ang talbos ng bayabas at ilagay sa butas ng ilong.



MGA HALAMANG PANGGAMOT
Ampalaya

Bayabas


·